DPWH may mga nakalinyang infrastructure projects sa bayan ng Mercedes ngayong taon

CAMARINES NORTE – May mga nakalinya pang infrastructure project ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa bayan ng Mercedes ngayong taon.

Ang iba ay nai- bidding na pero hindi pa nasisimulan ang proyekto.

Batay sa sulat ni OIC- District Engineer Guilbert Romero ng Camarines Norte Sub- Engineering District kabilang sa mga ipapatupad na proyekto ay ang Construction ng Pambuhan Bridge sa Barngay Pambuhan na nagkakahalaga ng P35,000.000.00

Disyembre 2023 nagkaroon ng bidding sa proyekto at ayon na rin mismo kay Mayor Alexander Pajarillo ay sisimulan ito bago matapos itong buwan.

Kabilang din sa  Fiscal Year 2023 list of projects na nakatakdang ipatupad ngayong taon ay ang construction ng kalsada sa Barangay Pambuhan Phase 3 na nagkakahalaga naman ng P100,000.000.00

Gayundin ang konstruksyon ng solar water system sa naturang bayan na ang target completion ay sa May 2024 na mayroong program amount na P10,000.000.00 at project cost na P9, 356.180.58

Ang iba pang nakapaloob sa listahan ng mga proyekto ay ang konstruskyon ng Multi- Purpose Building with evacuation center na ang target completion ay sa May 2024 at Multi -Purpose Building sa mambungalon Elementary na ang completion date ay ngayong Enero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *