DSWD 12, hinikayat ang mga LGUs na pumasa ng ordinansa laban sa pagsasanla ng ATM cards ng mga 4Ps beneficiaries

KORONADAL CITY – HINILING ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Region 12 sa mga local government units o LGU na pumasa ng ordinansa na magpapataw ng penalidad sa pagsasanla ng Automated Teller Machine (ATM) card o cash card ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps. Sa pamamagitan nito, magdadalawang-isip na ang mga 4Ps beneficiaries na isanla ang kanilang cash card o gawing collateral sa loan.

Maging ang mga nagpapautang o tumatanggap ng sanlang ATM cards ng mga benepisyaryo ay maaari ding patawan ng parusa. Una nang nagbabala ang DSWD 12 na mahigpit na ipinagbabawal ang pagsasanla ng ATM cards. Ang mga mahuhuling gumagawa nito ay posibleng matanggal sa listahan ng mga 4Ps beneficiaries.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *