DSWD, tiniyak ang tulong sa mga naulilang pamilya ng walong namatay sa flashflood

Siniguro ng Depatment of Social Welfare and Development na mabibigyan ng tulong walong mga indibidwal na nasawi sa flashflood sa Tanay, Rizal.

Matatandaang sa ulat ng Tanay MDRRMO, kabilang sa mga nasawi ay isang senior citizen, at isang limang taong gulang na bata.

Sa ulat, pauwi na raw sana ang mga biktima matapos pumila para makakuha ng financial assistance mual sa DSWD nang rumagasa ang baha sa Sta Ines ng nasabing bayan, dahilan para tumaob ang sinasakyan nilang dyip.

Sa panayam, sinabi ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na aminado siyang malayo talaga ang pinagmulan ng mga biktima, mula sa mismong town proper kung saan sila kumuha ng ayuda./

Sa kabila niyan, makatatanggap daw ang mga namatay at nasugatan sa insidente ng P10,000 at P5,000.

RELATED STORY:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *