BRP Gabriela Silang, balik-Maynila matapos ang 15-day mission sa Batanes

Balik-Maynila na ngayong araw ang BRP Gabriela Silang matapos ang kanilang labing-limang araw na misyon sa Batanges.

Sa pahayag ng Philippine Coast Guard (PCG), sinabi nito na ang naging misyon ng Task Force Kaligtasan sa Karagatan (TF KSK) sa Batanes ay ang paglalagay ng mga navigational lanterns partikular sa Sabtang, Ivana, Mahatao, at Valanga.

Kasama rin sa naging aktibidad ang pagkomisyon sa mga lighthouse sa probinsya na pinangunahan naman nila PCG commandant Admiral Artemio Abu at Batanes Governor Marilou Cayco.

Ayon kay Abu, layunin ng nasabing inisyatibo na matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga mangingisda at marines na pumapalaot sa karagatang sakop ng Batanes.

Kaugnay nito, sinabi ni Abu na plano pa ng coast guard na magtayo ng ilan pang lighthouses sa probinsya na siyang magsisilbing sovereign markers.

Para naman kay Governor Cayco, ang mga naturang bagong imprastraktura ay tiyak na magpapahusay sa lokal na turismo ng Batanes.//CM
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *