DTI Camarines Norte magsisimula nang mag- monitor sa mga produktong pang-Noche Buena ngayong linggo

CAMARINES NORTE- Magsisimula nang mag monitor ang Department of Trade nd Industry (DTI) sa mga produktong pang – Noche Buena ngayong linggo.

Ito ang kinumpirma ni Consumer Protection Division Head Alvin Sayno ng DTI- Camarines Norte sa kaniyang mensahe sa Brigada News FM Daet.

Ito ay makaraang ipalabas ng ahensiya price guide sa noche Buena products noong nakaraang linggo.

Batay sa inilabas na price guide, aabot ng isa  hanggang sampung porsiyento ang taas-presyo ng mga noche buena products ngayong taon.

Halimbawa na lang sa ham na naglalaro sa P163 hanggang P892.50 ang presyo habang nagkakahalaga naman ng P199.50 hanggang P513.75 ang keso de bola.

Naglalaro naman sa P23 hanggang P119 ang mga presyo ng pasta, elbow macaroni at salad macaroni.

Ang sinasabing dahilan ng pagtaas ng mga noche Buena products ay ang mataas na cost ng raw materials ayon sa mga manufacturer kaya nagtaas sila ng presyo sa kanilang produkto.

Hindi sakop ng suggested retail price (SRP) ang Noche Buena products dahil para lang ito sa  basic necessities and prime commodities.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *