896 na indibidwal sa Camarines Norte nabakunahan kontra COVID- 19 noong nakaraang linggo

CAMARINES NORTE- Umaabot lang sa 896 na indibidwal ang nabakunahan kontra COVID- 19 noong nakaraang linggo sa lalawigan ng Camarines Norte.

Batay ito sa tala ng Provincial Covid- 19 vaccination operation center hanggang nitong November 24, para sa period covered na November 21- 27.

Sa panahong nabanggit ay pinakamarami ang nabakunahan sa bayan ng Labo na may 235 at Daet na may 201.

Nasa 92 naman ang nabakunahan sa bayan ng Mercedes, 89 sa Sta Elena, 85 sa Jose Panganiban,  59 sa Basud, 45 sa Paracale at  at Vinzons, 19 naman sa Capalonga at San Lorenzo Ruiz.

Kaunti lang ang nagpabakuna sa Talisay na may anim habang isa lang sa San Vicente.

Kaugnay nito ay patuloy ang paghimok ng Department of Health lalo na sa mga hindi pa nababakunahan at nagpapa booster na magpabakuna na.

Patuloy ngayon ang pagsasagawa ng Barangayang Suyod Bakuna sa limang bayan sa lalawigan.

Una na ring ianunsiyo ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco na maliban sa nagpapatuloy na BSB ay  magkakaroon ng National Vaccination Days mula December 5 hanggang 7.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *