DTI: epektibo pa rin ang price freeze sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity

Mananatili umanong epektibo ang price freeze sa 25 lugar kung saan ideneklara ang state of calamity dahil sa epekto ng northeast monsoon, shear line, at low pressure area.

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), na ang presyo ng basic necessities (BN) ay otomatikong naka-freeze sa kanilang umiiral na presyo sa loob ng 60 araw, sa oras na naideklara ang state of calamity, maliban na lamang kung agad na tatanggalin ng pangulo, alinsunod sa Price Act.

Dagdag ng DTI, lagi nilang binabantayan ang mga produkto sa ilalim ng kanilang hurisdiksyon, kabilang na ang canned fish, locally manufactured instant noodles, bottled water, tinapay, processed milk, kape, kandila, laundry soap, detergent, at asin.

Sinabi naman ni  DTI Consumer Protection Group Undersecretary Ruth Castelo, na maliban sa mga basic necessities, binabantayan din ng mga regional at provincial offices ang presyo at suplay ng iba pang commodities.

Mababatid na sa ilalim ng Price Act, haharap sa penalidad na hanggang 10-taong pagkakakulong ang mga business establishments na lalabag dito at multa na P5,000 hanggang P1 million, o pareho, depende sa desisyon ng korte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *