DTI mag-uumpisa na ring magmonitor sa bentahan ng Christmas decors

CAMARINES NORTE – Inaasahang mag-uumpisa na ring magmonitor ang Department of Trade and Industry (DTI) sa bentahan ng mga Christmas decors ngayong sumapit na ang Ber months.”

Partikular na tinututukan ng ahensiya kapag ganitong panahon ay ang bentahan ng mga substandard Christmas decorations, partikular ang mga Christmas lights.

Ayon kay Marian Mendoza, Information Officer-Designate ng DTI Camarines Norte naghihintay lang sila ng direktiba mula sa kanilang head office patungkol dito.

Nais din umano ng ahensiya na maging “guided” ang mga mamimili sa mga nire- require na product markings upang masiguro na ligtas ang mga ito.

Mababatid na ngayong September pa lang ay nag- uumpisa nang magsilabasan sa merkado ang mga ibinebentang Christmas decors.

Tulad ng dati ay ipinapaalala ng ahensiya na dapat palaging tingnan ang Import Commodity Clearance (ICC) markings sa mga binibiling Christmas decors lalo na ang Christmas lights.

Hinimok rin ng ahensiya ang mga consumer na ireport sa kanilang opisina ang mga violations dahil gagawan naman umano nila ito ng kaukulang aksyon. Kung sakali man umanong hindi concern ng DTI ang produktong inirereklamo ay maaari naman umano nila itong i- refer sa kaukulang ahensiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *