DTI magdaraos ng Diskwento Caravan sa bayan ng Mercedes

CAMARINES NORTE – Nakatakdang magdaos ng Diskwento Caravan ang Department of Trade and Industry (DTI) sa bayan ng Marcedes ngayong darating na Biyernes, June 4, 2021.

Gaganapin ang DTI Rolling store sa Jimmy P. Lo Sports Complex sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Mercedes.

Ang Diskwento caravan ay isang regular na proyekto ng DTI na naglalayong mabigyan ng access ang mga consumer sa basic goods, at prime commodities sa mababang presyo sa pamamagitan ng paglapit sa kanila sa mga manufacturers at retailers

Kaugnay nito ay nagpaalala naman ang LGU sa mga panuntunang dapat sundin ng mga nagnanais mag- avail ng mga murang produkto.

Mahigpit na ipapatupad ang minimum public health standards tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, physical distancing at pag sanitize ng kamay.

Mababatid na kadalasan ay dalawang beses sa isang taon inilulunsad ang Diskwento Caravan.

Ginagawa ito tuwing Mayo o Hunyo para s amga murang school supplies noong mayroon pang face to face classes at Disyembre para naman sa mga noche Buena products.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *