DTI, naglabas ng mga listahan ng mga certified Christmas lights,

Naglabas ang Department of Trade and Industry o DTI ng listahan ng mga certified Christmas lights kasabay nito ang paalala sa publiko laban sa mga depektong produkto.

Pinayuhan ni Leah Ann Arella ng Bureau of Philippine Standards ang publiko na bumili lamang ng mga Christmas lights na may markang Philippine Standard (PS) o Import Commodity Clearance (ICC) sticker para sa garantisadong kaligtasan at kalidad ng produkto.

Ang PS mark ay ibinibigay sa manufacturer pagkatapos sumunod sa factory audit at product testing habang ang ICC stickers ay ibinibigay sa mga importer sa bawat Bill of Lading o Airway Bill shipment basis pagkatapos ng product inspection at testing.

Pinaalalahanan din ang publiko na mag-ingat sa pagkakabit sa kuryente ng mga Christmas lights at inspeksyunin at itapon ang mga luma na upang maiwasan ang insidente ng sunog.

Nakikipagtulungan din ang BPS sa Underwriters Laboratories (UL), isang safety certification company para sa posibleng pagpapatibay ng mga pamantayan sa mga ibinebenta naman mga Christmas lanterns o parol.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *