DTI-Zambales at LPCC puspusan ang market monitoring, mga depektibo at unregistered na timbangan kumpiskado

Sunod-sunod ang ginagawang market monitoring and enforcement ng Department of Trade and Industry Zambales at Local Price Coordinating Council sa iba’t ibang lugar sa lalawigan.

Kinukumpiska ang mga nahuhuling depektibo o kaya ay mga hindi nakarehistrong timbangan sa mga pamilihan.

Sa Subic Public Market ay anim na depektibong timbangan ang kinumpiska, labinlima naman sa Cabangan habang labing-isa na hindi rehistrado ang kinumpiska sa Olongapo City.

May kaukulang parusa ang mga hindi sumusunod sa batas para maiwasan ang pandaraya sa timbang ng mga binibiling produkto ng mamimili.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

DTI-Zambales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *