Dutch national, nadiskubreng patay na sa Quezon

Nakahandusay at wala nang buhay ng makita ang isang Dutch National sa Shamans Beach sa Sitio Simunong, Barangay Sowangan, Quezon Palawan.

Iniulat ng Palawan Provincial Police Office na ang namatay ay nakinilalang si Hendrik Muda, 78 anyos, nakatira sa lugar.

Napag-alaman sa imbestigasyon na isang Pinky Rose Pagayona, housemaid ang nakatuklas kay Hendrick sa balkonahe bandang alas sais kinse ng umaga nitong Biyernes nang siya’y pumunta doon para magtrabaho.

Bago ang insidente, natuklasan na mag-isang naiwan sa kanilang bahay si Hendrick nang pumunta sa Puerto Princesa ang asawa.

Kalauna’y nabatid sa imbestigasyon na naka-inom ng alak ang dayuhan at nadulas sa sahig kung saan tumama umano ang kanyang ulo , dahilan ng pagkamatay nito, ayon pa sa Palawan PPO.

Samantala, ang Quezon PNP ay nag-request sa Municipal Health Office na mag-sagawa ng post mortem examination sa katawan ng biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *