Booster dose ng mga estudyante sa kolehiyo sa Bicol, malayo pa sa 70% target—CHED

SORSOGON CITY—Mababa pa ang vaccination percentage pagdating sa booster dose ng mga estudyante sa kolehiyo sa buong Bicol region.

Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay Commission on Higher Education (CHED) Bicol Focal Person for Vaccination and Face to Face Classes Program Dr. Pamela Viñas, sinabi nito na sa katunayan ay hindi pa ito umaabot sa 60% na lubha pang mababa sa target na 70%.

Paniwala ng opisyal, ang mababang turn out ay dulot marahil ng pag-aalangan ng mga mag-aaral na magpaturok ng booster dahil bago na naman ito sa kanila.

Anya, tila kasi bumabalik sa panahon na ipinakikilala pa lang ang Covid-19 Vaccine kung saan talagang mahirap kumbinsihin ang publiko na magpaturok ng bakuna lalo na ang unang dose nito.

Gayunpaman, positibo pa rin ang opisyal na tataas din ang bilang ng mga magpapaturok ng booster shot lalo pa at nag-uumpisa nang bumalik ang face to face classes at nagkakaroon din ng pagtaas ng mga kaso ng Covid-19.

Samantala, kung mababa ang turn out ng booster sa mga estudyante ay kabaliktaran naman umano ito sa mga faculty at staff ng mga kolehiyo sa rehiyon dahil mataas ang vaccination percentage ng booster dose sa mga ito.#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *