Duterte, senertipikahang urgent ang mga panukala na magbubuwis sa POGOs, OFW department

Senertipikahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang urgent ang mga panukala na humihiling na buwisan ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) at ang pagbuo ng Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos.

Ang certification sa panukalang Senate Bill No. 2232 at Senate Bill No. 2234, ay nangangahulugan na maaring maipasa ng Senado ang mga ito ng sabay sa ikalawa at ikatlong pagbasa.

Kaugnay nito, welcome kay House Ways and Means panel chairperson at Albay representative Joey Salceda ang development sa pagbubuwis sa POGOs, at sinabing bukas ang House of Representatives sa pag-adopt sa bersyon ng Senado sa naturang panukala.

Matatandaan na noong Pebrero pa naipasa ang bersyon ng Kamara, kung saan ang operasyon ng POGO ay subject sa 5% tax sa gross gaming receipts habang ang kanilang service providers ay subject naman sa regular taxes.

Nakasaad rin sa bersyon ng House na ang mga non-resident employees ay subject sa withholding tax na 25% ng kanilang gross income, na may presumed income na P600,000. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *