Economic stimulus, tututukan ng Kongreso sa muling pagbubukas ng sesyon

Titiyakin ng Kongreso na maipapasa ang mga panukalang batas para sa economic stimulus na inaasahang mag-aahon ng ekonomiya mula sa epekto ng pandemya.

Sinabi ni Speaker Lord Allan Velasco na hihintayin ng House of Representatives ang aksyon ng Senado sa ilang panukala na sinertipikahan bilang urgent ng Pangulo.

Kabilang sa mga measures na na ito  ay ang amendments sa Public Services Act (PSA), Foreign Investment Act (FIA) of 1991, at Retail Trade Liberalization (RTL) Act of 2000.

Tiniyak naman ng House leader na gagawin ng mababang kapulongan ang lahat upang maging batas ang mga panukala bago ang kanilang adjournment.

Ipinunto ni Velasco na nakatakdang matapos ang second regular session ng 18th Congress sa June 5.

Nakatakda naman na magbukas ang huling regular session ng Kongreso sa July 26, pagkatapos ng State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *