Philippine Embassy sa US, magpapadala ng diplomatic note Re: ‘Asian hate crime’

Magpapadala ng diplomatic note sa State Department si Philippine Embassy in the United States Ambassador Jose Manuel Romualdez kapag nakumpirmang hate crime ang napabalitang insidente doon.

Imumungkahi nila na madagdagan ang law enforcement agents lalo na sa New York, San Francisco, Washington at Los Angeles kung saan ilang Pinoy ang biktima sa 6 na sunod-sunod na krimen.

Iniimbistigahan naman ng embahada ng Pilipinas sa New York kung talagang hate crime o pagnanakaw na posibleng sangkot ang ilang homeless sa Amerika.

Ayon kay Romualdez, nasa 300-400 ang mga homeless ang nagiging bayolente dahil umano sa epekto ng Covid-19 pandemic kung saan marami sa kanila ang nawalan ng trabaho.

Samantala, maraming mga residente ang napipilitang magdala ng sasakyan at sumakay ng Uber o taxi para maiwasan ang mga ganitong klaseng insidente. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *