33 porsiento ng population coverage sa Camarines Norte hindi pa bakunado  kontra COVID- 19

CAMARINES NORTE- Umaabot pa sa 169, 634 na mga taga Camarines Norte ang hindi pa bakunado kontra COVID- 19 o 33. 34  percent ng population coverage.

Batay ito sa datos ng Camarines Norte Provincial Covid- 19 Vaccination Center mula March 2021 hanggang March 30, 2022 alas 6 ng umaga.

Sa labing dalawang bayan ng Camarines Norte ang San Vicente ang nagtala sa ngayon ng pinakamataas na porsiento ng mga fully vaccinated individuals na mayroong 87. 59  percent o 7, 942.

Ang San Vicente na pinakamaliit na bayan sa lalawigan ay mayroong 12, 579 total population.

Ang capital town na Daet ay mayroon nang 76 percent na fully vaccinated habang ang iba pang mga bayan ay hindi pa umaabot sa 70 percent ang fully vaccinated individuals.

Sa kabuuan nasa 304, 300 o 59 % na mga indibidwal sa Camarines Norte ay fully vaccinated na.

Kaugnay nito ay patuloy na hinihimok ng DOH ang mga hindi pa nagpapabakuna na makipag ugnayan na sa pinakamalapit na Rural Health Unit para mabigyan na ng schedule ng pagbabakuna.

Isa ang immunization coverage sa pinagbabasehan sa pagbaba ng Alert Level sa isang lugar.

Hanggang ngayong araw ay nasa ilalim pa rin ng Alert Level 2 ang Camarines Norte sa kabila ng pagluluwag ng mga restrictions.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *