Eraserheads, nagdagdag ng marami pang tickets para sa reunion concert

Inanunsyo ng Eraserheads na ang kanilang “Huling El Bimbo” show ay magkakaroon ng mas malaking venue capacity na mayroong general admission section.

Ito ay matapos na agad masold out ang mga tiket para sa highly-anticipated reunion concert sa December 22 sa SMDC Festival Grounds sa Parañaque City.

Dahil dito, hindi umano dapat palagpasin ang pagkakataon, dahil may natitira pang tickets para sa expanded sections at General Admission.

Ang Gen ad tickets ay nagkakahalaga sa P1,222.

Ang legendary OPM rock band na binubuo nina Ely Buendia, Raymund Marasigan, Buddy Zabala, at Marcus Adoro ay ang nasa likod ng mga kantang, “Magasin,” “With a Smile,” “Pare Ko,” at marami pang iba. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *