ES Rodriguez pina-subpoena ng Senate Blue Ribbon para dumalo sa ‘sugar fiasco’ hearing

Obligado nang dumalo si Executive Secretary Vic Rodriguez sa susunod na hearing ng senate blue ribbon committee kaugnay sa kontrobersiyal na sugar order no. 4 para mag-angkat ng 300,000 metric tons ng asukal.

Ito ay matapos na magkasundo ang mga mambabatas na miyembro ng komite na maglabas ng subpoena para kay Rodriguez.

Ginanap ang botohan sa ginanap na executive session ng komite kung saan 11 senador ang pumabor para padalhan ng subpoena ang kalihim, 3 ang hindi pabor, habang tatlo naman ang nag-abstain.

Ayon kay Senate Blue Ribbon chairman Sen. Francis Tolentino ipapadala ang subpoena sa opisina ni Rodriguez sa Malakanyang.

Inaatasan din sa subpoena si ES Rodriguez na dumalo sa susunod na hearing na gaganapin sa Huwebes, September 8, 2022 upang masagot umano ang mga tanong ng senador kaugnay sa ‘sugar fiasco’.

Nabatid na hindi nakadalo sa senate hearing si Rodriguez dahil kasama ito ngayon ni Pangulong Marcos sa kanyang state visits sa Indonesia at Singapore.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *