Mga Philhealth members, makakabenpsiyo sa libreng laboratory services, gamot sa ilalim ng KONSULTA package

KORONADAL CITY- NASA 16% pa lamang o 66,000 ng target na 1.2 million na mga Philhealth members sa Soccsksargen region ang nakapag-parehistro para sa Konsultasyong Sulit at Tama o KONSULTA package.

Ito ang inihayag ni Philhealth 12 regional information officer Hannah Naanep batay sa datos noong buwan ng Agosto.

Ang KONSULTA ay isang preventive care services na nag-aalok sa mga Philhealth members at sa kanilang mga dependents, anuman ang membership category, ng comprehensive outpatient health services katulad ng initial at follow-up primary care consultations, health screening and assessment, diagnostic services at mga gamot.

Ayon kay Naanep na sa pamamagitan nito, mahihikayat ang mga mamamayan na magpakonsulta upang agad na mabigyan ng gamot at hindi na lumala pa ang kanilang sakit.

Kaugnay nito, nananawagan ang opisyal sa lahat na magparehistro na sa mga KONSULTA accredited providers sa kanilang lugar upang maka-avail ng libreng check-up, laboratory at mga gamot.

Sa South Cotabato, kabilang sa mga Konsulta providers ang Rural Health Units ng Banga, Norala, Surallah, Lake Sebu, Polomolok, Sto.Niño, Tupi, at T’Boli, Howard Hubbard Memorial Hospital at South Cotabato Provincial Hospital.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *