Estudyante patay nang mabangga ng motorsiklo sa Milaor Camarines Sur

CAMARINES SUR- Patay ang isang 21-anyos na estudyante matapos na mabangga ng motorsiklo sa Milaor , Camarines Sur.

Sa ulat ng PNP nangyari ito bandang alas-6:10 Miyerkules ng gabi Marso 8, 2023 sa Maharlika Highway, Barangay , Balagbag. Tumatawid ng kalsada malapit na sa gate ng kanilang bahay ang biktimang si Chelzia Ann Millare y Rentoria, Psychology Student sa isang unibersidad sa Naga City, nabangga ito ng motorsiklong dala ni Ricky Olliet y Rosela, 31-anyos ng Del Rosario, Pamplona, Cam Sur.

Dinala sa ospital sa Naga ang biktima pero ideneklara itong dead on arrival ng sumuring doktor.

Ayon kay PCPT Zuzette Pili  OIC Chief of Police ng Milaor PNP, aminado ang driver na matulin ang takbo, hindi nito kaagad nakita ang biktima. Walang naipakitang lisensya ang driver  at hindi pa sa kaniya nakarehistro ang minamanehong motor.

Linapatan din ng lunas ang nasugatang driver.  Mahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide si Olliet kung mag file na ng kaso ang pamilya ng biktima.  

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Rexhilda Millare, ina ng biktima “madesisyon pa po ang pamilya mi kung makaso na kami, sa ngunyan po naheherak pa man po kami sa pamilya kang suspek ta may 3-years old na aki pa”

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang mga kaibigan at kaanak ng honor student at multi-talented na cosplayer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *