Farm Tourism palalakasin ng LGU-Gubat

SORSOGON CITY – Nagsumite ng resolusyon ang lokal na pamahalaan ng Gubat sa Sangguniang Panlalawigan ng Sorsogon kaugnay sa plano nitong pagpapalakas ng farm tourism.

Sa Resolution No. 006-2021 nagpapa-apruba ang konseho para sa  pagpapaunlad at pagpo-promote ng mga lugar sa bayan na malaki ang potensyal maging farm tourism.

Ang bayan ng Gubat ay mayaman sa mga palayan at mga taniman ng mga gulay na nangangailangan ng pondo at suporta ng Pamahalaang Panlalawigan.

Ang Farm Tourism ay matagal nang isinusulong ng Department of Tourism (DOT) at Department of Agriculture (DA) na maliban sa pagpapalakas ng turismo ay malaki rin ang tulong nito sa mga magsasaka at mga nagtatrabaho sa mga bukirin.

PHOTO: Google

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *