FDA nire-review na ang EUA application ng Moderna

Nire-review na ng Food and Drug Administration (FDA) ang aplikasyon ng American pharmaceutical company na Moderna Inc. para sa emergency use authorization (EUA) ng kanilang COVID-19 vaccine.

Ito ay matapos kumpirmahin ni FDA Director General Eric Domingo na nag-apply na ang Moderna para sa EUA kahapon.

Aniya, chine-check pa kung kumpleto ang mga dokumentong isinumite ng Moderna para sa application.

Mababatid na una nang lumagda ng tripartite agreement sa Moderna ang gobyerno at private sector para makakuha ng 20 milyong doses ng COVID019 vaccine.

Sa ilalim ng kasunduan, makakakuha ng 13 milyong doses ang gobyerno habang ang private sector naman ay makakakuha ng pitong milyong doses para sa mga manggagawa.

Sinabi rin ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na nag-order din ang bansa ng karagdagang limang milyong doses ng Moderna vaccine.

Inihayag ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babe” Romualdez na nakatakdang dumating sa bansa sa Hunyo ang 200,000 doses ng COVID-19 vaccine ng Moderna.

Matatandaang una nang naprubahan ng FDA ang EUA ng COVID-19 vaccines mula sa Pfizer-BioNTech, AstraZeneca, Sinovac Biotech, Gamaleya Institute, Janssen, at Bharat Biotech.(VELLA GONZAGA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *