Food packs para sa mahigit 13, 000 pamilya sa bayan ng Basud sinimulan nang ipamahagi ng LGU ilang araw bago magpasko

CAMARINES NORTE- Maagang pamasko ang matatanggap ng bawat pamilya sa bayan ng Basud, Camarines Norte mula sa Lokal na Pamahalaan.

Sinimulan na kasi kahapon ang pamamahgi ng family food packs para sa 13, 287 pamilya sa  29 na barangay sa naturang bayan.

Mauuna muna ang mga barangay sa River Block at agad rin namang isusunod sa highway block.

Ayon sa Lokal na Pamahalaan laman ng food packs ang limang kilong bigas, apat na sardinas, tatlong corned beef, isang kilong asukal at limang pirasong twin packs na 3- 1 coffee.

Noon pang isang linggo nagsimulang ihanda ng LGU ang mga ipapamahaging food packs sa bawat pamilya.

Matatandaan na noong isang taon ay pang media noche ang ipinamahagi ng LGU sa bisperas ng bagong taon.

Nasa 12, 659 pamilya mula sa 29 na barangay ang nabiyayaan noon ng media noche items.

Pero ngayong taon, sa halip na pang media noche ay bigas, de lata, asukal at kape ang ipapamahagi sa bawat pamilya dahil mas kailangan umano ito ngayon.

Inaasahang bago magpasko ay maipapamahagi sa lahat ng barangay ang mga food pack.

Sa ngayon habang nagkakaroon na ng distribution sa ilang barangay ay patuloy ang re- packing ng LGU employees para naman sa iba pang mga barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *