Food stall sa U.K, inireklamo ng kanilang customer matapos itong makaranas ng walang tigil na pag-utot dahil sa kinaing sandwich

NAHAHARAP ngayon sa malaking problema ang isang kainan o “food stall” sa United Kingdom matapos itong i-demanda ng kanilang naging customer apat na taon na ang nakakaraan.

Sinisisi kase ng lalaking si Tyrone Prades ang nasabing food stall sakanyang kalagayan ngayon, kung saan siya nakakaranas ng walang tigil at hindi mapigilang pag-utot.

Kwento ni Prades, taong 2017 nang siya ay mag order at kumain ng sandwich sa nasabing kainan at matapos ang ilang oras ay nakaramdam siya ng pananakit ng tiyan, lagnat, pagsusuka at maging ng diarrhea.

Naospital at naratay din umano siya ng limang araw dahil sa nabiling pagkain na ayon sakanya ay kontaminado ng bacteria.

Makaraang maospital at makarekober, hindi na bumalik pa sa normal ang buhay ni Prades dahil simula noon ay walang tigil na siya kung umutot at hindi niya umano ito mapigilan kung kaya’t nabawasan ang kanyang self-esteem habang iniwasan niya na rin ang paglabas ng kanyang bahay upang hindi mapahiya.

Samantala, itinanggi naman ng may-ari ng food stall ang alegasyon at paratang ni Prades at nanindigan itong kailangang patunayan ng complainant ang reklamo nito laban sakanila.### JDR, BNFM Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published.