Food Stamp Program, lumarga na

Pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang paglulunsad ng pilot implementation ng Food Stamp Program (FSP) ng Department of Social Welfare and Development.

Ngayong hapon, opisyal nang inlunsad ang Walang Gutom 2027: Food Stamp Program (FSP) sa Tondo, Manila.

Layunin ng FSP na mabawasan ang ‘involuntary hunger’ sa mga low-income households.

Magkakaroon din ng access ang mga piling benepisyaryo sa isang ‘Electronic Benefit Transfer’ o EBT; isang card na mayroong laman na food credits na may halagang P3,000 at matatanggap nila mula July hanggang December 2023.

Maliban sa Tondo sa Maynila, kabilang sa iba pang pilot areas ay sa Regions II; V; CARAGA; at sa BARMM.

Nakatuwang ng DSWD ang World Food Program, at ang Asian Development Bank, para mapondohan ang naturang programa.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *