Paglilinaw ng PAGCOR sa P3M na nagastos sa bagong logo, ‘alibi’ lang! – Makabayan bloc

Pinatutsadahan ni House Deputy Minority Leader ACT-Teachers party-list Rep. France Castro ang kasalukuyang bagong branding ng administrasyon ng Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr na “Bagong Pilipinas” na isang “deodorant sa nakalipas na adminsitrasyon ni former pres. Marcos Sr.

Sa panayam ng Brigada NewsFM kay Cong. Castro, sinabi nito na malinaw na ang ginagawang re-branding ay pagre-remind ng Bagong Lipunan ni dating Pangulong Marcos Sr na tila aniya susundan ng kasalukuyang punong ehikutibo.

Samantala, tuloy pa rin ayon kay Castro ang kanilang gagawing pagbusisi sa naging gastos sa naturang pagpapalit ng brand na budget deliberations ng House of Representatives bagaman una ng sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na walang nalustay na pera ng pamahalaan dito.

Sa huli iginiit ng Makabayan lawmaker na imbes na pagpapalit ng sagisag ng kasalukuyang administrasyon ay sana’y atupagin ang ibang bagay na makatutugon sa pangangailangan ng bayan.

Paliwanag ng PAGCOR, dahilan lang!

Nagdadahilan lang ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa ginawa nitong pagtatanggol sa mga kritiko sa usapin ng nagastos na P3 milyon para sa bago nitong logo, ayon sa Makabayan bloc.

Ayon kay Castro, naghain an sila ng house resolution para tuluyang busisiin ang usapin ng P3milyon na budget sa logo lamang.

Hindi rin kumbinsido si Castro sa pahayag ni PAGCOR chairperson Alejandro Tencgo mayroon ding iba pang deliverables na pinagkagastusan maliban pa sa logo, tulad ng mga manuals, pagpapalit ng logo sa mga properties ng PAGCOR, at iba pa.

Samantala, hindi rin nakaligtas sa gagawaing pag-aanalisa ng grupo ang usapin ng bagong branding ng admistrasyon ni pangulong Bongbong Marcos na “Bagong Pilipinas” na nakatakda ring mag-file ng house resolution at hinihintay na lamang nila ang iba pang bagay ukol dito.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *