Walo sa bawat 10 Pilipino – pabor na ibalik ang dating school calendar

Suportado ng mayorya ng mga Pilipino ang pagbabalik sa dating school calendar kung saan, Abril hanggang Mayo ang summer break.

Sa isang Pulse Asia survey na kinomisyon ni Senate Committee on Basic Education chair Senador Win Gatchalian – lumabas na walo sa bawat 10 Pilipino ang pabor sa lumang school calendar.

Tanging 8% lang ng respondents ang tutol dit; habang 11% naman ang hindi sumagot kung pabor sila o tutol.

Ayon kay Gatchalian – malinaw raw ang naging boses ng mga kababayan na nais na nilang ibalik ang lumang period sa pagpasok sa mga eskuwela.

Dahil dito, magsasagawa raw sila ng mga pagdinig para mapag-aralan nang husto ang angkop na school calendar na makabebenepisyo ang sektor ng mga guro at mga mag-aaral.

Kung maaalala, una nang sinabi ng Department of Education (DepEd) na posibleng umabot pa ng tatlo hanggang limang taon ang implementation nito.

Bagay naman ito na kinontra sa panayam ng Brigada NewsFM kay Teachers’ Dignity Coalition (TDC) chair Benjo Basas at sinabingh kakayanin na itong tapusin sa loob lamang ng dalawang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *