Foreign national, pinapadeport ng kanyang live-in partner

Dumulok sa Casiguran Municipal Police Station para humingi ng tulong ang isang Filipina para maipadeport ang kanyang kalive-in partner na isang American national.

Sa impormasyon na nakuha ng Brigada News sa naturang himpilan ng Pulisya, sinabi ng mga ito na makikipag-ugnayan sila sa mga kinauukulan katulad ng Bureaut of Immigration at iba pang ahensya para malaman kung sino ang mga kamag-anak sa USA ng nasabing foreign national.

Kinilala itong si Julian David Buell, 51-anyos, aeronautical mechanic, tubong Michigan, USA at kasalukuyang naninirahan sa Brgy San Antonio ng nasabing bayan.

Sa salaysay umano ng kalive-in partner nito, ang banyaga ay dumaranas ng sakit sa pag-iisip o mental illness mula noong 2019.

Nais umano niyang makontak ang ka-pamilya ng banyaga para sa posibleng deportasyon nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *