‘Forgotten’ astronaut ng Apollo 11 na si Michael Collins, pumanaw na

Pumanaw na ang american astronaut na si Michael Collins sa edad na 90-anyos.

Ayon sa statement na inilabas ng pamilya, cancer ang dahilan ng pagkamatay nito.

Si Collins ay kasama nina Neil Armstrong at Buzz Aldrin sa Apollo 11 mission nito papuntang buwan.

Sinasabing bagama’t sina Armstrong at Aldrin ang unang tao na nakatapak sa buwan si Collins ang tumayong piloto ng Apollo 11 command module noong July 20, 1969.

Samantala agad naman naglabas ng pakikiramay ang NASA at kinilala ang legasiya ni Collins na naging inspirasyon umano ng mga sumunod na henerasyon. (LEY BAGUIO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *