Former NTF adviser, ‘di nangangamba sa muling pagsipa ng COVID-19 cases

Naniniwala si National Task Force against COVID-19 former adviser at Health Advocate Dr. Tony Leachon na hindi pa rin dapat ikabahala ang bahagyang pagtaas ng mga kaso ng coronavirus sa Pilipinas.

Sa pinaka-huli kasing bulletin ng Department of Health, sumipa nang muli sa higit walong libo ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Kumpirmado na rin ang pagkapasok ng mga mas nakahahawang subvariants ng omicron.

Ayon kay Leachon, nananatili pa rin namang mild o hindi malala ang mga kaso ng COVID-19.

Hindi pa rin umano tumataas sa higit 20% ang utilizaiton rate ng mga health facilities.

Sa ngayon aniya,a ng pinakamahalaga pa rin ay palakasin ang bakunahan at ang booster uptake para sa eligible population.

Muli rin nitong ipinanawagan sa susunod na administrasyon na sa unang 100 araw nito – dapat ay maitaas ang booster rate sa 70 million.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *