Concepcion, naniniwalanag hindi pa dapat taasang muli ang alert level systems sa bansa

Naniniwala si dating Presidential adviser on entrepreneurship, GoNegosyo Founder Joey Concepcion na malaki ang magiging implikasyon sakali mang magtaas muli ng mga alert level system sa bansa sa gitna ng muling pagtaas ng mga COVID-19 cases.

Sa isang forum, sinabi ni Concepcion na kung maaari – ipinatili na muna ang kasalukuyang mga alert level systems na umiiral sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Aniya, sakali man daw kasi na muling maghigpit ng mga restrictions, higit na maaapektuhan ang mga micro, small, and medium enterprises o MSMEs sa bansa.

Papatayin daw nito ang industriya ng mga maliliit na negosyo lalo na ‘yung mga MSMEs na kakukuha lang ng mga bagong loans para masuportahan ang kanilang business.

Sa kabila nito, umaasa pa rin si Concepcion na makababawi na ngayong taon ang mga negosyanteng Pilipino.

Tiwala rin ito sa kakayahan ng bagong adminsitrasyon na pangalagaan ang kapakanan ng ekonomiya at ng mga MSMEs sa Pilipinas.

Iginiit din ni Concepcion ang kahalagahan ng bakunahan sa mga Pilipino para muli nang makabangon ang bansa na ginapos ng mga epekto ng pandemya.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *