Fuel Subsidy na request ng mga trimobile operators sa Naga City Goverment wala pa rin

NAGA CITY – Hindi parin natatanggap ng mga trimobile operators ang fuel subsidy na ni request nila sa City Government noong pang Abril 2022.

Mababatid na ginawa ito ng mga operators dahil na rin sa memorandum circular na inilabas ng Dept. of Interior and Local Government na nag-uutos na sila ang dapat na mag request ng fuel subsidy sa lokal na pamahalaan.     

Batay sa pahayag sa Brigada News FM Naga ni Barangay Kagawad Gil Belen, isa sa operators at siya ring federation president ng Trimobile at E-trike Drivers Operators Association ang request nila ay kanilang isinumite sa Public Safety Office.

Paliwanag ni Belen, ang opisinang ito ang in-charge sa kanilang nasa sektor ng transportasyon, kaya ito ang magpo-proseso para makuha nila ang inaasam-asaam na fuel subsidy.

Anya’y lagi naman siyang nagpafollow-up dahil sa siya naman ang kinakalampag ng kapwa niya mga operators, subalit ang laging sagot sa kanya ay maghintay-hintay muna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *