Gagamba bawal hulihin; ordinansa ipapasa sa SP ng Batangas

Batangas -Nais ng isang lokal na mambabatas na ipagbawal na ang panghuhuli ng mga gagamba o spider dahilan sa maaring makatulong ang mga ito sa pagsugpo sa dengue maiiwas na din ang mga kabataan sa pagsusugal gamit ang mga naturang insekto.

Sa ginanap na Batangas IATF meeting kanina, inirekomenda n Batangai ABC Pres Board Member Wilfredo Maliksi na ipagbawal na ang panghuhuli ng mga spider dahilan sa malaki ang naitutulong nito panlaban sa mga lamok na nakapagdudulot ng sakit na dengue.

Sinang-ayunan naman ito ni Batangas Gov Dodo Mandanas at sinabi malaki nga ang naitutulong ng mga gagamba lalo na ang sapot o web na ginagawa ng mga ito.

Inirekomenda na din ni Gov Dodo na magsagawa ng ordinansa ditto ang panig ni BM Maliksi at agad naman aniyang pipirmahan upang agad na maisabatas sa lalong madaling panahon.

Nag-ugat ang rekomendasyon ito nang dagdag isipin ng mga health workers ang paglaganap ng dengue sa panahonbg ito ng pandemya, kinakialngan din kasi may hiwalay na ospital para ditto lalo na at may mga batang tinatamaan ng naturang sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *