Gary Russell Jr., kampanteng matatalo ang si Mark Magsayo

Binigyang diin ni WBC featherweight champion Gary Russell Jr. na wala siyang dahilan para labis na mabahala laban sa kanyang unbeaten challenger na si Mark Magsayo, matapos nitong panoorin ang knockout victory ng naturang Pinoy laban kay Mexican banger Julio Ceja.

Nabatid na na-knockout ni Magsayo si Ceja sa Round 10 ng kanilang laban.

Pero para kay Russell, kaya-kaya niya mapatumba si Magsayo.

Sa kabila nito, humahanga parin ang WBC featherweight champion kay Magsayo at sinabing pinili niya itong makalaban dahil ginagawa ng naturang Filipino ang lahat para mapataas ang kanyang rankings para makalaban ang mga champion

Ang American boxer ay nananatiling undefeated sa kanyang 23 professional fights.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *