Gatchalian, pabor sa 3rd tranche ng fuel subsidy

Pabor si Sen. Win Gatchalian na magbigay ng third tranche ng fuel subsidy para makatulong sa hirap na pinapasan ng mga public utility vehicle drivers, sa harap ng tumataas na presyo ng langis,

Ayon kay Gatchalian, pwedeng 50 hanggang 100% ang idagdag sa subsidiya, upang sumapat ito sa tumataas na krudo simula pa noong mga nakaraang araw.

Sa gitna nito, pinuna naman ng senador ang mabagal na pamamahagi ng cash aid, pero sinabing mas magiging economical kung maglalaan ng third tranche para dito, sa halip na ibasura ang excise tax sa fuel products.

Si Gatchalian, na outgoing chairman ng Senate Committee on Energy at nakatakdang pamunuan ang Committee on Ways and Means, ay target na magsagawa ng pagdinig sa susunod na linggo para malaman kung anu ang magagawa ng gobyerno kung magtatagal pa ng isang taon ang oil crisis.

Giit ng mambabatas, pabor siyang suspendihin ang excise at value added tax sa fuel products kung magtatagal pa ang sitwasyon, pero dapat maging maingat umano ang gobyerno sa kanilang balancing act, na maaring makaapekto sa presyo ng mga basic goods at iba pang serbisyo. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *