DepEd, tuloy parin ang F2F classes kahit itaas ang Alert Level 2 sa ilang lugar

Matutuloy parin ang face-to-face classes para sa susunod na academic year, kahit pa itaas umano ang alert status sa ilang lugar sa Alert Level 2.

Ayon sa Department of Education (DepEd), na sa kanilang protocol, ligtas parin ang face-to-face classes, basta’t nasa Alert Level 1 at 2 lang

Pero kapag nasa Alert Level 3 na, ay atomatikong sususpendihin ang in–person classes.

Mababatid na sa “progressive expansion” phase ng face-to-face classes para sa pampubliko at pribadong paaralan, sinabi ng ahensya na kailangang validated ang mga paaralan, alinsunod sa standards ng School Safety Assessment Tool (SSAT) at nasa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Levels 1 at 2 based, batay sa periodic risk assessment ng Department of Health (DOH).

Una nang sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na inaasahan ng DepEd na lahat ng mga paaralan sa bansa ay magsasagawa ng face-to-face classes sa Hunyo, sa kabila ng COVID-19 pandemic. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *