Villar: Senado, walang balasahan!

Naniniwala si Senadora Cynthia Villar na walang mangyayaring pagbabago sa liderato at mga committee chairmanships sa Senado.

Nang matanong si Villar sa kaniyang palagay sa kasalukuyang estado ng Senado – nasabi ng Senadora na wala naman siyang inaasahang reshuffling at wala ring natutunugang pagbabago sa leadership.

Ani Villar, mahirap pa raw ang change of leadership at mauubos lang ang oras nila sa pagbabago.

Kung maalala, madalas na nagkakaroon ng balasahan sa t’wing pagbubukas ng bagong sesyon.

Sa Lunes, kasabay ng SONA ay magbubukas na ang 2nd Regular Session ng 19th Congress.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *