Go nangakong patuloy na isusulong ang disaster resiliency measures sa 19th Congress

Tiniyak ni Sen. Christopher ‘Bong’ Go na patuloy na isusulong sa susunod na 19th Congress ang disaster resiliency measures.

Layon umano ng mga panukala na magbigay ng mas ligtas at kompotrableng buhay sa bawat Pilipino lalo na sa panahon ng krisis.

Kabilang na dito ang Senate Bill No. 1228 o ang Mandatory Evacuation Center Act na may layuning matiyak na ang mga biktima ng kalamidad ay magkakaroon ng mga pansamantalang tirahan na magsisiguro sa kanilang kaligtasan at kapakanan habang sila ay bumabangon sa kanilang buhay.

Binanggit din ni Go ang kanyang SBN 1227, o mas kilala bilang Rental Subsidy Program Act, na tutulong sa mga pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa mga sakuna sa pamamagitan ng pag-alok ng mga subsidya upang sila ay pansamantalang makalipat sa panahon ng pansamantalang proseso ng konstruksyon.

Nangako rin din ang Senador na isusulong ang paglikha ng Department of Disaster Resilience na naglalayong tugunan ang mga burukratikong hamon na sumisira sa kakayahan ng gobyerno na mas mahusay na tumugon at magbigay ng suporta sa mga indibidwal na apektado ng mga sakuna.

Nagpasalamat nman si Go sa nagdaang 18th congress dahil sa pagsuporta sa kanyang mga porposed legislation katulad ng Malasakit Centers Act of 2019 at RA 11641 na siyang nagtatag ng Department of Migrant Workers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *