Naitalang pasyente na may Cervical Cancer sa Bicol Medical Center umabot sa 108

NAGA CITY- Umabot sa 108 ang naitalang pasyente ng cervical cancer sa Bicol Medical Center noong 2021. Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kaugnay ng Cervical Cancer Awareness Month ngayong Mayo.

Sa record pangalawa ang cervical cancer sa mga uri ng kanser sa sakit ng mga Pinoy. Una sa listahan ang Breast Cancer, ganito rin ang ranking sa bansa sa pinag isang record ng cancer sa babae at lalaki. Sa BMC pangatlo sa listahan ang colorectal, kabilang din sa Top 10 ang Ovarian cancer.

Sa pagharap sa media ni Dr.  Alma Bresnan, Head ng Regional Cancer Center, sinabing hindi dapat na ipagwalang bahala dahil apektado ang buong pamilya kapag tinamaan ang isa. Dapat aniyang dumaan sa screening upang matingnan ang kondisyon ng sarili. Kahapon nagkaroon ng libreng testing sa pamamagitan ng Bicol Medical Center – Regional Cancer Center katuwang ang John Hopkins Program for International Education in Gynecology and Obstetrics.

Ang naturang sakit ay nakukuha sa sexual contact lalo na kung may multiple partner , pwede ring skin-to-skin contact ayon pa kay Bresnan. High risk dito ang mga maraming anak at sa murang edad na-engage sa sexual activities.

Ang sakit ay hindi gaano pinapansin lalo na sa mga rural areas pero ayon kay Bresnan, pinalalakas nila ang kaalaman sa tulong ng mga partner agencies at LGUs. Nagagamot ito ngunit ang kampanya nila maiwasan ang sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *