Gobyerno, isinasapinal ang guidelines sa Sinovac shot para sa mga bata na edad 6-pataas

Isinasapinal na ng gobyerno ang mga panuntunan para sa paggamit ng Sinovac COVID-19 vaccine sa mga bata na edad anim pataas.

Noong nakaraang linggo ay binigyan ng Food and Drug Administration ng otorisasyon ang naturang Chinese vaccine brand.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, head ng National Vaccination Operations Center, gagamitin sa mga bata ang parehong dose at formulation na para sa mga adults.

Hindi aniya ito katulad sa reformulated vaccine ng Pfizer na spike protein-concentrated.

Ipinunto naman ni Cabotaje na posibleng hindi kasama ang mga bata na may comorbidities sa maaring mabakunahan ng Sinovac.

Ipinaliwanag niya na ang EUA na ipinagkaloob sa Sinovac ay para sa mga malulusog na indibidwal lamang.

Pero ayon sa opisyal, isinasapinal pa nila ang mga panuntunan kasama ang mga eksperto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *