Gov.Tamayo, Bishop Casicas makikipagpulong sa DENR Secretary pagkatapos ng Semana Santa

KORONADAL CITY- PAGKATAPOS ng Holyweek, nakatakdang makipagpulong sina South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr kasama ang legal team ng probinsya at ang Diocese of Marbel sa pamumuno ni Bishop Cerilo Casicas sa kalihim ng Department of Environment and Natural Resources o DENR na si Secretary Antonia Loyzaga upang pag-usapan ang may kaugnayan sa open-pit mining operation sa lalawigan.

Ayon kay Tamayo na hihilingin ng mga ito kung may posibilidad ba na muling magpalabas ng order ang DENR Secretary upang ipagbawal ang open pit mining operation sa buong bansa, katulad ng ginawa noon ni dating DENR Secretary Gina Lopez.

Ito ang napag-usapan at napagkasunduan ng gobernador at ng Obispo kamakailan lamang, pagkatapos na lumabas ang desisyon Court of Appeals na nagpapahayag na valid ang Environment Code ng probinsya na nagba-ban sa open pit mining method, ngunit ang aplikasyon nito ay para lamang sa mga small-scale mining operation at hindi nito sakop ang large-scale mining partikular ang Tampakan project ng Sagittarius Mines Inc.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *