‘Government Service Caravan para sa Kababaihan’ isasagawa ngayong araw sa Legazpi City

BNFM BICOL—Nakatakdang isagawa ngayong araw ng Miyerkules, March 30, ang ‘Government Service Caravan para sa Kababaihan’ sa lungsod ng Legazpi sa lalawigan ng Albay.

Ang naturang aktibidad ay bahagi pa rin ng selebrasyon ng International Women’s Month na naglalayong mailapit ang mga programa ng gobyerno sa publiko partikular sa sektor ng kababaihan.

Ilan sa mga serbisyong itatampok sa nasabing caravan ang business and livelihood assistance, skills training scholarship referrals, national ID registration, digital vaccination certification, pag-update ng SSS membership records at marami pang iba.

Pangungunahan ang naturang programa ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno gaya ng DSWD, D.A, P.S.A, TESDA, Albay PPO , SSS at iba pang mga stakeholders.

Magiging bukas sa publiko ang caravan simula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon sa LCC Mall Events Center ng nasabing lungsod.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *