‘Gov’t., kayang magturok ng 70 milyong 1st dose ng COVID-19 vaccines pagdating ng Nobyembre’

Positibo si vaccine czar secretary Carlito Galvez Jr. na makapagtuturok ang gobyerno ng 70 milyong unang doses ng COVID-19 vaccines pagdating ng November.

Ayon sa opisyal, ito ay realistic expectation at target ng gobyerno na makapagbakuna ng first dose ng vaccines sa ikatlong quarter ng 2021.

Aminado naman si Galvez na “ambitious” ang vaccination plan ng gobyerno tulad ng inilarawan ng World Health Organization.

Aniya, mas maganda kasi kung mas mataas ang standard at target ng pamahalaan kaya ginawa nilang ambitious ang plano para magpursigi ang local government units, at national government.

Nagpahayag naman si Galvez ng kumpiyansa sa gobyerno na makapagtuturok ito ng 500,000 shots kada araw. 

Batay sa target ng WHO, lahat ng bansa ay dapat makapagbakuna ng 10 percent ng kanilang populasyon pagdating ng September 2021, 40 percent sa katapusan ng taon, at 70 percent sa June 2022 anupaman ang economic status ng bansa. 

Mababatid na sinabi ni Secretary Vince Dizon, deputy chief implementer ng overnment pandemic response na nakapagturok na ng 12 milyong doses ng COVID-19 vaccines ang Pilipinas simula nang umarangkada ang vaccine rollout noong Marso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *