Groundbreaking Ceremony ng 2-Storey Multi-Purpose Building na magiging evacuation center sa bayan ng Sta. Elena, isinagawa

CAMARINES NORTE- Isinagawa kamakailan ang Groundbreaking Ceremony ng 2-Storey Multipurpose Building sa bayan ng Santa Elena na gagawing Evacuation Center ng bayan.

Proyekto ito ng Department of Public Works and Highways sa Barangay Plaridel na nagkakahalaga ng Php5,000,000 na mula sa GAA Fund 2023 at tinatayang matatapos sa higit 3 buwan. May laki itong 12x7meters at may additional 20sqm para sa ilalagay na kitchen at pantry.

Ayon sa Punong Barangay ng Barangay Plaridel na si Ginoong Arsenio Zamora, isa ang bayan ng Santa Elena na palaging dinadaanan ng mga kalamidad, kaya malaking tulong umano sa kanilang lugar ang 2-Storey Multipurpose Building.

Matatandaang tapos na rin ang konkretong kalsada na matatagpuan sa Purok 4 ng nasabing bayan mula sa pondong inilaan ng Department of Public Works and Highways na halagang Php10 Milyon na sa kasalukuyan ay kanila na ring pinapakinabangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *