Grupo, hinimok ang gobyerno na huwag tanggalin ang K to 12 program

Hinimok ni Philippine Business of Education (PBED) President Chito Salazar ang gobyerno na i-improve ang K to 12 program imbes na tanggalin.

Ayon kay Salazar, hindi pa natatapos ang naturang programa sa curriculum ng Grade 1 noong 2012 kung saan kailangan umano itong bigyan ng panahon.

Dagdag pa niya, ang dapat tutukan sa ngayon ay ang reading, writing at mathematical skills kung saan maaaring bumuo ng curriculum.

Samantala, iginiit ni Salazar na kailangan ayusin ang mga pasilidad ng eskwelahan, mas pagandahin ang pagtuturo at masolusyunan ang malnutrition sa bansa. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published.