Guro, patay sa aksidente sa Sorsogon

Hindi na nakaabot ng selebrasyon ng ‘Teacher’s Day’ ang isang guro matapos ito masawi sa isang aksidente hapon noong Linggo, Oktubre 2 sa bayan ng Matnog, Sorsogon.

Sa police report, nasawi si Marshan Frejas Gracila, 32-anyos, may asawa, guro at naninirahan sa Brgy Bariis ng nasabing bayan habang ang backride na misis nito na si Shiela Garilao Gracila ay sugatan matapos ito tumilapon sa gilid ng kalsada sa lakas ng impact ng pagkabangga.

Kinilala naman ang driver ng Mitsubishi L300 na si Bernabe Dela Cruz Fraga, 63-anyos, biyudo at residente ng Brgy Talaongan, Sta Magdalena, Sorsogon.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na ang dalawang behikulo ay tumatakbo sa magkasalungat na direksyon nang pagdating sa kahabaan ng Maharlika Highway na sakop ng Purok 7 Brgy Gadgaron, ay biglang nag-overtake ang L300 van at sumalpok sa kasalubong na motorsiklo na minamaneho ng nasabing guro.

Idineklarang dead on arrival si Ginoong Gracila ng sumuring doctor sa Matnog Medicare Hospital habanga ng misis nito ay isinugod sa Sordoc Hospital sa Sorsogon City.

Nabatid na si Ginang Gracila ay nagdadalangtao at kabuwanan na nito.

Kahapon, Setyembre 3 ay sinimulan na ng isang parade ang selebrasyon ng Teacher’s Day at bagama’t nagluluksa sa sinapit ng kanilang kapwa guro, binati pa rin si titser Gracila ng kanyang kapwa guro ng ‘Happy Teacher’s Day in Heaven.’

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *