Catholic devotees sa Camarines Norte nakiisa sa buong bansa sa pagdiriwang ng pista ng Santo Niño

CAMARINES NORTE- Nakiisa ang mga debotong katoliko sa lalawigan ng Camarines Norte sa buong bansa sa pagdiriwang ng kapistahan ng Santo Niño.

Sa iba’t- ibang simbahan sa lalawigan ay nagkaroon ng pagbababasbas sa mga imahen ng Santo Niño at sa mga bata.

Bitbit ng mga deboto ang iba’t- ibang imahen ng batang si Hesus para pabasbasan.

Sa Holy Trinity Cathedral ay nagkaroon ng pagbabasbas sa mga bata at imahen ng Santo Niño pagkatapos ng misa.

Pagkatapos din ng misa ay nagsaboy ng candy para malubos ang kasiyahan ng mga bata.

Ang kapistahan ng Santo Niño ay isang religious celebration na “unique” sa Pilipinas at isa sa pinakakilalang pagdedebosyon maliban sa Poong Hesus Nazareno.

Ipinagdiriwang ito ng simbahan tuwing ikatlong linggo ng Enero kada taon na may espesyal na pahintulot ng Vatican.

Paalala ng simbahan sa mga deboto na maging katulad ng mga bata na may kapakumbabaan.

Ito umano ang mensahe ng pagdiriwang ng kapistahan ng Santo Niño kung saan hinihimok ang lahat na maging “childlike,” o tularan ang mga bata upang makapasok sa kaharian ng langit.

Dahil sa labis na pagdedebosyon ng mga Pilipino sa Santo Niño, madalas na makakakita ng mga imahe nito sa mga bahay, establisyimento at sa mga sasakyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *