Halaga ng pondong nailabas ng DOH para sa mga healthcare workers, pumalo sa mahigit P19 billion

Umabot sa mahigit P19.65 billion ang halaga ng pondo na nailabas ng Department of Health para sa iba’t-ibang benepisyo ng mga healthcare workers sa bansa nitong mga nakaraang buwan.

Batay sa DOH accomplishment report nma iprenisenta sa Palasyo, cover ang nasabing mga benepisyo simula noong Hulyo hanggang Disyembre.

Kabilang sa mga benepisyo na naipamahagi ng DOH ay ang active hazard pay para sa mga medical personnel na direktang nag-alaga sa mga covid-19 patient.

Sa ulat pa ng DOH, kasama rin dito ang nasa 1,624,045 healthcare workers na nakatanggap ng kanilang One COVID Allowance o Health Emergency Allowance at 73,711 workers na nakakuha naman ng special risk allowance.

Bukod dito, ipinagmalaki rin ng DOH na nasa 1,430,286 additional patients ang kanilang naserbisyuhan nitong 2022 kung saan umabot sa mahigit P16.6 billion ang halaga ng tulong na kanilang naipamahagi.

Nakapag-provide din ang DOH ng nasa P11.24 billion na halaga ng medical assistance para sa 1,878,650 na mga pasyente sa ilalim ng Medical Assistance to Indigent Patients (MAIP) program.

Samantala, nasa P468.59 million naman na halaga ng assistance ang kanilang naipamahagi sa lahat ng rehiyon sa bansa para sa iba’t-ibang aktibidad na may kinalaman sa Disaster Risk Reduction and Management in Health (DRRM-H).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *