Halos 1,000 na magsasaka, nabigyan ng Fertilizer Discount Voucher

Umabot sa 998 na mga magsasaka ang naging benepisaryo ng Fertilizer Discount Voucher (FDV) mula sa MASAGANA Cluster Program Dry Season 2023-2024 ng DA MIMAROPA sa bayan ng Aborlan, Palawan.

Ang pondo na inilaan ng Department of Agriculture dito ay nasa P4.5 million sapat para sa P4,000 kada ektarya na halaga ng fertilizer.

Ang pamamahagi nito ay pinangunahan ni Mayor Jaime M. Ortega, kasama sina Rice Staff (RFO)| Irish H. De Guzman at Leonie B. Bongayan at Acting MAO Armen Molleno at Hon. Renato Alabado, Committee on Agriculture, ngayong araw (February 6).

Samantala, magpapatuloy hanggang bukas, February 7, 2024 ang Fertilizer Discount Voucher Distribution.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *